Mabilis na nagpalit ang pahina ng kalendaryo.. Nalagas at muling umusbong ang mga dahon sa puno. Sa paglipas ng panaho’y dumating ang ulan at binuhusan tayo ng malamig na tubig na bumasa at nagpanginig sa ating kabuuan ngunit bumuhay ng ating diwa.Umihip ang malakas n hangin na sa sobrang lakas ay ibinuwal tayo ngunit dinala naman sa tamang landas na dapat ay tahakin natin. Muling sumikat ang araw na tinuruan tayong tumayo at nagpakita ng ganda sa landas na dapat ay tahakin natin..
Katatapos lang ng panunumpa ng ating mga bagong opisyal sa Gobyerno na inaasahan natin na malaki ang mababago sa sistema ng kalakaran at pagpapatakbo ng ating pamahalaan..Lagi tayong umaasa na malaki ang kanilang magagawa upang ang marami sa atin ay maiahon sa hirap ngunit sa mga nagdaan na panahon sila pa ang nagpalubog sa marami at nagpalobo ng utang ng pilipinas..Maituturing ba nating sila ang ating sandigan at kakampi o kaaway na unti-unti tayong pahihirapan at ilulugmok sa kahirapan...?
Hindi natin dapat iasa sa kanila ang kahahatnan ng ating kalagayan sa hinaharap bagkos tayo mismo sa sarili natin ay kumilos at huwag ibuntong ang sisi sa mga namumuno sa atin.. Hindi dapat tayo magpadala sa malalangis nilang dila at sa mga pangako dahil baka tayo ay magtiwala ng lubos at ipatong sa kanilng mga balikat ang responsibilidad para tayo ay umahon. Hindi natin alam kung ano ang kanilang mga motibo at tunay na hangarin ngunit sa kabila ng ating mga pagdududa dapat natin silang suportahan at huwag makipaglaban sa kanilang pamumuno, kailngang magtulungan tayo at magkaroon tamang disiplina upang tayo ay umunlad at ang ating Bayan :-)
wow! ang lalim mo gen!
ReplyDeletepero tama.. sana magkaron na talaga tayo ng pagbabago tungo sa ikauunlad ng ating bansa... sana tuparin nya lahat ng ipinangako nya para wla na talagang kurapsyon..
at dapat talaga makiisa tayo para sa pagbabgo n un!!
at ang pagbabagong yun dapat simulan sa ating sarili.. :)
nkakainspire nga ung speech ni mr. president sana tlaga malaki mgawa nya hehehe tnx ah
ReplyDeleteDi ko lubusang akalain na ganito kalalim ang iyong pag iisip sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa. Ako'y nalulugod sa iyong sinulat sapagkat ito'y nagpapahiwatig ng iyong mas malalim na kaalaman sa mga nanunungkulan. Nawa'y maging isa ka sa mga taong makapag dudulot ng pagbabago sa ating lipunan. Magsimula sa maliit na paraan at nakatitiyak ako na ang pagbabago na nais ng lahat ay makakamtan.
ReplyDeleteOuch! I got a headache all of a sudden! ;)
hahahaha adik ka ate ai ah bigla ka din naging makata...kaya nga dapat lahat tau may ambag para umunlad naman yung bansa natin..siguro marami ng mga pilipino yung handang makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagbabago :-)
ReplyDeleteThis is true insanity... yun lang ang masasabi ko maraming pilipino ang may kakayahang paunlarin ang bansa sa sarili nilang paraan ngunit puro pag-aanak at pang-bababae lang ang inaatupag kung gusto talaga ng tao na umunlad ang pilipinas sana noon pa lang gumawa na sila ng hakbang... ang kabataan daw ang kinabukasan ng bayan pero naisip ba nila na kung wala ang kanilang patnubay ay wala tayong makakamtan sa buhay?! yun lang...
ReplyDelete