Mabilis na nagpalit ang pahina ng kalendaryo.. Nalagas at muling umusbong ang mga dahon sa puno. Sa paglipas ng panaho’y dumating ang ulan at binuhusan tayo ng malamig na tubig na bumasa at nagpanginig sa ating kabuuan ngunit bumuhay ng ating diwa.Umihip ang malakas n hangin na sa sobrang lakas ay ibinuwal tayo ngunit dinala naman sa tamang landas na dapat ay tahakin natin. Muling sumikat ang araw na tinuruan tayong tumayo at nagpakita ng ganda sa landas na dapat ay tahakin natin..
Katatapos lang ng panunumpa ng ating mga bagong opisyal sa Gobyerno na inaasahan natin na malaki ang mababago sa sistema ng kalakaran at pagpapatakbo ng ating pamahalaan..Lagi tayong umaasa na malaki ang kanilang magagawa upang ang marami sa atin ay maiahon sa hirap ngunit sa mga nagdaan na panahon sila pa ang nagpalubog sa marami at nagpalobo ng utang ng pilipinas..Maituturing ba nating sila ang ating sandigan at kakampi o kaaway na unti-unti tayong pahihirapan at ilulugmok sa kahirapan...?
Hindi natin dapat iasa sa kanila ang kahahatnan ng ating kalagayan sa hinaharap bagkos tayo mismo sa sarili natin ay kumilos at huwag ibuntong ang sisi sa mga namumuno sa atin.. Hindi dapat tayo magpadala sa malalangis nilang dila at sa mga pangako dahil baka tayo ay magtiwala ng lubos at ipatong sa kanilng mga balikat ang responsibilidad para tayo ay umahon. Hindi natin alam kung ano ang kanilang mga motibo at tunay na hangarin ngunit sa kabila ng ating mga pagdududa dapat natin silang suportahan at huwag makipaglaban sa kanilang pamumuno, kailngang magtulungan tayo at magkaroon tamang disiplina upang tayo ay umunlad at ang ating Bayan :-)